dcsimg

Phascolarctos cinereus ( Tagalog )

provided by wikipedia emerging languages

Ang Koala[3] (Phascolarctos cinereus) ay isang hayop na kumakain ng halaman (herbiboro) na may pandak ngunit matipuno o siksik na pangangatawan na naninirahan at katutubo sa Australya. Isa itong hayop na naninirahan sa puno (arboryal) at kabilang sa mga marsupial o mga hayop na walang plasenta ang mga babae, sa halip mayroon silang marsupium o supot sa labas ng tiyan na pinaglalagyan ng sanggol pang anak. Sila ang tanging umiiral pang kinatawan ng pamilyang Phascolarctidae.

Matatagpuan ang koala sa mga mabaybaying rehiyon ng silanganin at katimugang Australya, mula sa malapit na Adelaide hanggang sa katimugang bahagi ng Tangway ng Cape York. Umaabot din ang mga populasyon sa malalayong mga distansiya paloob ng lupain sa mga rehiyong mas sapat na pamamasa upang masuportahan ang mga lupaing magubat. Malawakang pinaslang ang mga koala ng Timog Australya noong maagang bahagi ng ika-20 daantaon, subalit muli nang napadami ang populasyon ng estado mula sa pinaglahian o angkang nasa Victoriano. Hindi natatagpuan ang koala sa Tasmania o Kanlurang Australya.

Tingnan

Sanggunian

  1. Groves, C.P. (2005). Wilson, D.E.; Reeder, D.M. (mga pat.). Mammal Species of the World: A Taxonomic and Geographic Reference (3rd edisyon). Baltimore: Johns Hopkins University Press. p. 43. ISBN 0-801-88221-4. OCLC 62265494.
  2. Gordon G, Menkhorst P, Robinson T, Lunney D, Martin R. & Ellis M (2008). Koala. 2008 IUCN Red List of Threatened Species. IUCN 2008. Hinango noong 2008-10-30.
  3. Gaboy, Luciano L. Koala - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
license
cc-by-sa-3.0
copyright
Mga may-akda at editor ng Wikipedia

Phascolarctos cinereus: Brief Summary ( Tagalog )

provided by wikipedia emerging languages

Ang Koala (Phascolarctos cinereus) ay isang hayop na kumakain ng halaman (herbiboro) na may pandak ngunit matipuno o siksik na pangangatawan na naninirahan at katutubo sa Australya. Isa itong hayop na naninirahan sa puno (arboryal) at kabilang sa mga marsupial o mga hayop na walang plasenta ang mga babae, sa halip mayroon silang marsupium o supot sa labas ng tiyan na pinaglalagyan ng sanggol pang anak. Sila ang tanging umiiral pang kinatawan ng pamilyang Phascolarctidae.