Ang luya-luyahan (Curcuma zedoaria) ay isang uri ng halamang kahawig ng tunay na luya. Ito ay isang perenyal na damong-gamot at nabibilang sa saring Curcuma, pamilya Zingiberaceae. Ang halamang ito ay katutubo sa mga bansang India at Indonesia. Ipinakilala ito ng mga Arabo sa Europa noong ika-anim na siglo ngunit ang gamit nito bilang pampalasa sa Kanluran ay bihira at napalitan na ng luya.
Ang luya-luyahan ay isang rhizome na nabubuhay sa mga tropikal at subtropikal na mga magubat na rehiyon. Ang halaman na ito ay mabango at mayroon mga dilaw na mga bulaklak. Meron itong pula at luntiang mga bract at ang pangilalim ng lupa nitong katawan ay malaki at maraming sanga. Ang mga talbos ng dahon ng luya-luyahan ay mahahaba at maaring umabot ng isang metro (tatlong talampakan) sa taas.
Ang makakaing ugat ng luya-luyahan at mayroong puting loob at bangong tulad ng mangga. Subalit ang lasa nito ay gaya ng luya ngunit mayroon itong mapait na naiiwang lasa. Pinupulbos ito at hinahalo sa curry sa Indonesya. Kinakain ito habang sariwa o kaya binuburo sa Indiya.
Ginagamit ang luya-luyahan sa mga tradisyonal na medisina ng silangan kung saan sinasabing tumutulong ito sa pagtunaw ng pagkain, pagpagaan ng colic at panlinis ng dugo.
Ang mga mahahalagang langis mula sa pinatuyong ugat ng Curcuma zedoaria ay ginagamit sa paggawa ng pabango[1], sabon at bilang sangkap sa mapapait na tonic.