dcsimg

Trochilidae ( Tagalog )

provided by wikipedia emerging languages

Ang Trochilidae ay isang pamilya ng mga maliliit na ibon na nagmula at bumubuo sa pamilyang Trochilidae. Sa Ingles, karaniwang tinatawag na hummingbirds ang bumubuo sa pamilyang ito na may tuwirang salin na ibong humuhugong, ibong umuugong[1], o ibong humahaginit [2] sa Tagalog. Kabilang sila sa pinakamaliliit na mga ibon, at kinasasamahan ng pinakamaliit na uri ng umiiral pang mga ibong tinatawag na ibong-bubuyog na umuugong. May kakayahan silang lumipad-lipad na lumutang-lutang at magpaurung-sulong sa gitnang ere sa pamamagitan ng mabilis na pagpagaspas ng kanilang mga pakpak sa bilis na 12–90 mga ulit bawat segundo (depende sa uri). Maaari rin silang lumipad na paatras, at silang tanging pangkat ng mga ibong nakagagawa nito.[3] Hinango ang kanilang pangalan sa wikang Ingles na hummingbird mula sa katangiang hugong, ugong, o haginit (ang hum sa Ingles) na nalilikha ng mabilis na pagaspas, paghataw, pagbira, o pagkampay ng kanilang mga pakpak. Nakalilipad sila sa tuling lumalampas sa 15 m/s (54 km/oras, 34 mi/oras).[4]

Mga sanggunian

  1. Gaboy, Luciano L. Hum - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com., ang hum ay ugong o hugong; humuhugong o umuugong.
  2. Hum, ang hum ay haginit o humahaginit.
  3. Ridgely, Robert S.; at Paul G. Greenfield. The Birds of Ecuador, tomo 2, Field Guide, Palimbagan ng Pamantasan ng Cornell, 2001
  4. Clark at Dudley (2009). "Flight costs of long, sexually selected tails in hummingbirds". Proceedings of the Royal Society of London, Marso 2009.


Ibon Ang lathalaing ito na tungkol sa Ibon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa nito.

license
cc-by-sa-3.0
copyright
Mga may-akda at editor ng Wikipedia

Trochilidae: Brief Summary ( Tagalog )

provided by wikipedia emerging languages

Ang Trochilidae ay isang pamilya ng mga maliliit na ibon na nagmula at bumubuo sa pamilyang Trochilidae. Sa Ingles, karaniwang tinatawag na hummingbirds ang bumubuo sa pamilyang ito na may tuwirang salin na ibong humuhugong, ibong umuugong, o ibong humahaginit sa Tagalog. Kabilang sila sa pinakamaliliit na mga ibon, at kinasasamahan ng pinakamaliit na uri ng umiiral pang mga ibong tinatawag na ibong-bubuyog na umuugong. May kakayahan silang lumipad-lipad na lumutang-lutang at magpaurung-sulong sa gitnang ere sa pamamagitan ng mabilis na pagpagaspas ng kanilang mga pakpak sa bilis na 12–90 mga ulit bawat segundo (depende sa uri). Maaari rin silang lumipad na paatras, at silang tanging pangkat ng mga ibong nakagagawa nito. Hinango ang kanilang pangalan sa wikang Ingles na hummingbird mula sa katangiang hugong, ugong, o haginit (ang hum sa Ingles) na nalilikha ng mabilis na pagaspas, paghataw, pagbira, o pagkampay ng kanilang mga pakpak. Nakalilipad sila sa tuling lumalampas sa 15 m/s (54 km/oras, 34 mi/oras).

license
cc-by-sa-3.0
copyright
Mga may-akda at editor ng Wikipedia