Ang unsoy[1], silantro, o kulantro[2] (Coriandrum sativum; Ingles: coriander[3], cilantro o Chinese parsley[4]) ay isang uri ng maliit na halamang nagagamit na pampalasa sa mga lutuing pagkain. Umaabot sa magpahanggang sampung desimetro ang taas nito. Kulay pula ang mga bulaklak nito, samantalang kayumanggi naman ang mga butil ng buto. Isa itong halamang nabanggit sa Tanakh at sa Bibliya. Katulad ito ng isa pang halamang pam-Bibliya, ang mana. Parehas sila ng hugis at laki, ngunit magkaiba sa lasa at kulay.[5][6] Tinatawag din itong koriander at koriandro, at sinasabing isang yerba na may pagkakahawig sa halamang karot.[7] Kilala rin ang unsoy bilang wansuey sa Pilipinas,[8] bagaman sinasabi ni Micky Fenix sa Inquirer Lifestyle (Philippine Daily Inquirer) na iba ang wansuey (coriander sigadillas) mula sa tunay na unsoy. Lahat ng ibang mga sanggunian, bukod sa Inquirer Lifestyle ay nagsasabing iisa lamang ang unsoy at wansuey. Ang naiiba mula sa unsoy o wansuey ay ang kintsay.[9][10][11][12] Binabaybay din ang unsoy bilang unsuey at uan-soi.[13]
Ang unsoy, silantro, o kulantro (Coriandrum sativum; Ingles: coriander, cilantro o Chinese parsley) ay isang uri ng maliit na halamang nagagamit na pampalasa sa mga lutuing pagkain. Umaabot sa magpahanggang sampung desimetro ang taas nito. Kulay pula ang mga bulaklak nito, samantalang kayumanggi naman ang mga butil ng buto. Isa itong halamang nabanggit sa Tanakh at sa Bibliya. Katulad ito ng isa pang halamang pam-Bibliya, ang mana. Parehas sila ng hugis at laki, ngunit magkaiba sa lasa at kulay. Tinatawag din itong koriander at koriandro, at sinasabing isang yerba na may pagkakahawig sa halamang karot. Kilala rin ang unsoy bilang wansuey sa Pilipinas, bagaman sinasabi ni Micky Fenix sa Inquirer Lifestyle (Philippine Daily Inquirer) na iba ang wansuey (coriander sigadillas) mula sa tunay na unsoy. Lahat ng ibang mga sanggunian, bukod sa Inquirer Lifestyle ay nagsasabing iisa lamang ang unsoy at wansuey. Ang naiiba mula sa unsoy o wansuey ay ang kintsay. Binabaybay din ang unsoy bilang unsuey at uan-soi.