dcsimg
Image of Haddock
Creatures » » Animal » » Vertebrates » » Ray Finned Fishes » » Cods »

Haddock

Melanogrammus aeglefinus (Linnaeus 1758)

Melanogrammus aeglefinus ( Tagalog )

provided by wikipedia emerging languages
Para sa ibang gamit, tingnan ang Hake (paglilinaw).

Ang Melanogrammus aeglefinus (Ingles: haddock; Espanyol: eglefino, anón) ay isang uri ng isdang[1] namumuhay sa hilagang Karagatang Atlantiko.[2] Sa dagat lamang ito nabubuhay. Mahalagang isda ang eglepino para sa industriya ng pangingisda. Madaling makilala ang isda dahil sa itim nitong guhit sa puting gilid nito; at mayroon ding maitim at bilog na batik sa likod ng hasang. Tumitimbang na may 1 hanggang 4 na mga libra ang mga nahuhuling eglepino.[2]

Katulad ng mga kamag-anakan nitong bakalaw o kalaryas, mayroong tatlong panlikod na mga palikpik ang eglepino, at kumakain ng mga moluska, mga krustasyano, at mga bulati. Kaiba ang eglepino mula sa Pollachius na may kabaligtad na kulay: puting guhit sa ibabaw ng itim na panlikod na kulay.[2]

Mga sanggunian


Isda Ang lathalaing ito na tungkol sa Isda ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa nito.

license
cc-by-sa-3.0
copyright
Mga may-akda at editor ng Wikipedia

Melanogrammus aeglefinus: Brief Summary ( Tagalog )

provided by wikipedia emerging languages
Para sa ibang gamit, tingnan ang Hake (paglilinaw).

Ang Melanogrammus aeglefinus (Ingles: haddock; Espanyol: eglefino, anón) ay isang uri ng isdang namumuhay sa hilagang Karagatang Atlantiko. Sa dagat lamang ito nabubuhay. Mahalagang isda ang eglepino para sa industriya ng pangingisda. Madaling makilala ang isda dahil sa itim nitong guhit sa puting gilid nito; at mayroon ding maitim at bilog na batik sa likod ng hasang. Tumitimbang na may 1 hanggang 4 na mga libra ang mga nahuhuling eglepino.

Katulad ng mga kamag-anakan nitong bakalaw o kalaryas, mayroong tatlong panlikod na mga palikpik ang eglepino, at kumakain ng mga moluska, mga krustasyano, at mga bulati. Kaiba ang eglepino mula sa Pollachius na may kabaligtad na kulay: puting guhit sa ibabaw ng itim na panlikod na kulay.

license
cc-by-sa-3.0
copyright
Mga may-akda at editor ng Wikipedia