dcsimg

Olibo ( Tagalog )

provided by wikipedia emerging languages

Ang olibo o oliba (Olea europaea, na sa Ingles ay olive) ay isang espesye ng isang maliit na puno na nasa pamilyang Oleaceae, na katutubo sa pook na pangdalampasigan ng silangang Basin ng Mediteraneano (ang dugtungan ng pook na pandalampasigan ng timog-silangang Europa, kanlurang Asya, at hilagang Aprika, pati na ng hilagang Iran sa katimugang dulo ng Dagat Caspiano.

Ang bunga nito, na tinatawag ding olibo o oliba, ay may pangunahing kahalagang pang-agrikultura sa rehiyong Mediteraneo bilang napagkukunan ng langis ng oliba. Ang puno at ang bunga ang nagbigay ng pangalan sa pangalan ng pamilya nito, na nagbibilang din ng mga espesyeng katulad ng mga lilak, sampagita, Forsythia at ang tunay na punong abo (Fraxinus). Ang salita ay hinango mula sa Lating olīva na nagbuhat naman mula sa Griyegong ἐλαία (elaía)[1][2] at panghuli mula sa Griyegong Miseneanong 𐀁𐀨𐀷 e-ra-wa ("elaiva"), na ipinahayag sa silabikong panitik na Linear na B.[3][4] Ang salitang Ingles na oil at ang salitang Kastilang oleo, at mga katulad na may kahulugang langis sa maraming mga wika, ay hinango magmula sa pangalan ng punong ito at ng bunga nito.

Mga sanggunian

  1. ἐλαία, Henry George Liddell, Robert Scott, A Greek-English Lexicon, sa proyektong Perseus
  2. Partikular na mula sa isang diyalektong nagpreserba ng digamma sa mga kapanahunang pangkasaysayan (kung kaya ang salitang *ἐλαίϝα). (OLD s.v. oliva, Ernout & Meillet s.v. oleum)
  3. e-ra-wa, Mycenaean (Linear b) – Glosaryong Ingles
  4. Palaeolexicon, kasangkapang pangpag-aaral ng salita ng sinaunang mga wika


Puno Ang lathalaing ito na tungkol sa Puno ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa nito.

license
cc-by-sa-3.0
copyright
Mga may-akda at editor ng Wikipedia

Olibo: Brief Summary ( Tagalog )

provided by wikipedia emerging languages

Ang olibo o oliba (Olea europaea, na sa Ingles ay olive) ay isang espesye ng isang maliit na puno na nasa pamilyang Oleaceae, na katutubo sa pook na pangdalampasigan ng silangang Basin ng Mediteraneano (ang dugtungan ng pook na pandalampasigan ng timog-silangang Europa, kanlurang Asya, at hilagang Aprika, pati na ng hilagang Iran sa katimugang dulo ng Dagat Caspiano.

Ang bunga nito, na tinatawag ding olibo o oliba, ay may pangunahing kahalagang pang-agrikultura sa rehiyong Mediteraneo bilang napagkukunan ng langis ng oliba. Ang puno at ang bunga ang nagbigay ng pangalan sa pangalan ng pamilya nito, na nagbibilang din ng mga espesyeng katulad ng mga lilak, sampagita, Forsythia at ang tunay na punong abo (Fraxinus). Ang salita ay hinango mula sa Lating olīva na nagbuhat naman mula sa Griyegong ἐλαία (elaía) at panghuli mula sa Griyegong Miseneanong 𐀁𐀨𐀷 e-ra-wa ("elaiva"), na ipinahayag sa silabikong panitik na Linear na B. Ang salitang Ingles na oil at ang salitang Kastilang oleo, at mga katulad na may kahulugang langis sa maraming mga wika, ay hinango magmula sa pangalan ng punong ito at ng bunga nito.

license
cc-by-sa-3.0
copyright
Mga may-akda at editor ng Wikipedia