dcsimg

Streptomyces ( 他加祿語 )

由wikipedia emerging languages提供

Ang Streptomyces ay ang pinakamalaking sari ng Actinobacteria at isang uring sari ng pamilyang Streptomycetaceae.[1] Mahigit sa 500 espesye ng Streptomyces ang natuklasan na.[2] Tulad ng ibang Actinobacteria, mga Gram-positive ang streptomycetes, at mayroong genomes na may mataas na nilalamang GC.[3] Kadalasan silang makikita sa lupa at nabubulok na behetasyon. Karamihan sa mga streptomycetes ay naglalabas ng mga espore, at makikilala sila sa kanilang "malalupang" amoy na nagreresulta sa produksyon ng isang metabolito, ang geosmin.

Naitala ang mga streptomycetes na mayroon silang kumplikadong ikalawang metabolismo.[3] Naglalabas sila ng ikalawa-tatlo ng mga ginagamit na antibiotiko na nagmula sa natural (hal, neomycin, cypemycin, grisemycin, bottromycins at chloramphenicol).[4][5] Nagmula ang pangalang streptomycin, isang antibiotiko mula sa Streptomyces. Hindi kadalasang patoheno ang mga streptomycetes, subalit mayroon ibang impeksiyon sa tao tulad na lamang ng mycetoma, na kakagawan ng S. somaliensis at S. sudanensis, at sa halaman ay sinasanhi ng S. caviscabies, S. acidiscabies, S. turgidiscabies at S. scabies.

Talababa

  1. Kämpfer, Peter (2006). "The Family Streptomycetaceae, Part I: Taxonomy". In Dworkin, Martin; Falkow, Stanley; Rosenberg, Eugene; Schleifer, Karl-Heinz; Stackebrandt, Erko (mga pat.). The Prokaryotes. pp. 538–604. doi:10.1007/0-387-30743-5_22. ISBN 978-0-387-25493-7.
  2. Euzéby JP (2008). "Genus Streptomyces". List of Prokaryotic names with Standing in Nomenclature. Nakuha noong 2008-09-28.
  3. 3.0 3.1 Madigan M, Martinko J, pat. (2005). Brock Biology of Microorganisms (11th edisyon). Prentice Hall. ISBN 0-13-144329-1.
  4. Kieser T, Bibb MJ, Buttner MJ, Chater KF, Hopwood DA (2000). Practical Streptomyces Genetics (2nd edisyon). Norwich, England: John Innes Foundation. ISBN 0-7084-0623-8.CS1 maint: multiple names: authors list (link)
  5. Understanding and manipulating antibiotic production in actinomycetes

Malayuang pagbabasa

Mga kawing panlabas

許可
cc-by-sa-3.0
版權
Mga may-akda at editor ng Wikipedia
原始內容
參訪來源
合作夥伴網站
wikipedia emerging languages

Streptomyces: Brief Summary ( 他加祿語 )

由wikipedia emerging languages提供

Ang Streptomyces ay ang pinakamalaking sari ng Actinobacteria at isang uring sari ng pamilyang Streptomycetaceae. Mahigit sa 500 espesye ng Streptomyces ang natuklasan na. Tulad ng ibang Actinobacteria, mga Gram-positive ang streptomycetes, at mayroong genomes na may mataas na nilalamang GC. Kadalasan silang makikita sa lupa at nabubulok na behetasyon. Karamihan sa mga streptomycetes ay naglalabas ng mga espore, at makikilala sila sa kanilang "malalupang" amoy na nagreresulta sa produksyon ng isang metabolito, ang geosmin.

Naitala ang mga streptomycetes na mayroon silang kumplikadong ikalawang metabolismo. Naglalabas sila ng ikalawa-tatlo ng mga ginagamit na antibiotiko na nagmula sa natural (hal, neomycin, cypemycin, grisemycin, bottromycins at chloramphenicol). Nagmula ang pangalang streptomycin, isang antibiotiko mula sa Streptomyces. Hindi kadalasang patoheno ang mga streptomycetes, subalit mayroon ibang impeksiyon sa tao tulad na lamang ng mycetoma, na kakagawan ng S. somaliensis at S. sudanensis, at sa halaman ay sinasanhi ng S. caviscabies, S. acidiscabies, S. turgidiscabies at S. scabies.

許可
cc-by-sa-3.0
版權
Mga may-akda at editor ng Wikipedia
原始內容
參訪來源
合作夥伴網站
wikipedia emerging languages