Ang Euanthe sanderiana ay isang bulaklak sa pamilya ng orkidya. Karaniwan itong kilala bilang Walingwaling[3] sa Pilipinas at tinatawag ding Euanthe ni Sander (Sander's Euanthe sa Ingles),[4] na hinango mula sa pangalan ni Henry Frederick Conrad Sander,[5] isang natatanging orkidolohista. Itinuturing ang orkidya bilang "Reyna ng mga bulaklak ng Pilipinas" at sinasamba bilang isang diwata ng mga katutubong taong Bagobo.[5]
Una at dating pinangalanan ni Heinrich Gustav Reichenbach ang Euanthe sanderiana bilang Vanda sanderiana.
Mayroon itong dalawang anyo, rosas at puti, na tinatawag ding alba. Natuklasan ni M. Roebelin ang orihinal na anyong rosas sa Pilipinas noong 1881 o 1882. Inihiwalay ni Rudolf Schlechter ang Euanthe mula sa Vanda noong 1914 dahil sa mga pagkakaiba ng kayarian ng mga bulaklak.[6] Para sa mga layunin ng pagpaparami at pagpapatala ng Royal Horticultural Society, itinuturing pa rin ito bilang isang Vanda.[7]
Endemiko ang Euanthe sanderiana sa Mindanao sa mga lalawigan ng Davao, Cotabato, at Zamboanga kung saan natatagpuan ito sa mga katawan ng dipterokarpang mga puno sa mga elebasyong nasa ibaba ng 500 mga metro. Dahil sa sobrang pagkukulekta, itinuturing na bihira sa kalikasan ang halaman.[2] Kalimitan itong ginagamit sa hibridisasyon.[8]
Ipinakita ng mga pag-aaral na kapag iniangat sa mataas na altura, maagang namumulaklak ang halaman.[9]
Noong 2004, nagkaroon ng pagkilos sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas na ideklara ang "Walingwaling" bilang pambansang bulaklak ng bansa, na magiging kapalit para sa Sampagita.[10][11]
Ayon sa Philippine Orchid Society, isang samahang maka-orkidya sa Pilipinas na naglalaman ng larawan ng walingwaling sa kanilang logo, na may tatlong binhi o lahi ang uri:[12]
Ang Euanthe sanderiana ay isang bulaklak sa pamilya ng orkidya. Karaniwan itong kilala bilang Walingwaling sa Pilipinas at tinatawag ding Euanthe ni Sander (Sander's Euanthe sa Ingles), na hinango mula sa pangalan ni Henry Frederick Conrad Sander, isang natatanging orkidolohista. Itinuturing ang orkidya bilang "Reyna ng mga bulaklak ng Pilipinas" at sinasamba bilang isang diwata ng mga katutubong taong Bagobo.
Una at dating pinangalanan ni Heinrich Gustav Reichenbach ang Euanthe sanderiana bilang Vanda sanderiana.
Mayroon itong dalawang anyo, rosas at puti, na tinatawag ding alba. Natuklasan ni M. Roebelin ang orihinal na anyong rosas sa Pilipinas noong 1881 o 1882. Inihiwalay ni Rudolf Schlechter ang Euanthe mula sa Vanda noong 1914 dahil sa mga pagkakaiba ng kayarian ng mga bulaklak. Para sa mga layunin ng pagpaparami at pagpapatala ng Royal Horticultural Society, itinuturing pa rin ito bilang isang Vanda.
Endemiko ang Euanthe sanderiana sa Mindanao sa mga lalawigan ng Davao, Cotabato, at Zamboanga kung saan natatagpuan ito sa mga katawan ng dipterokarpang mga puno sa mga elebasyong nasa ibaba ng 500 mga metro. Dahil sa sobrang pagkukulekta, itinuturing na bihira sa kalikasan ang halaman. Kalimitan itong ginagamit sa hibridisasyon.
Ipinakita ng mga pag-aaral na kapag iniangat sa mataas na altura, maagang namumulaklak ang halaman.
Noong 2004, nagkaroon ng pagkilos sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas na ideklara ang "Walingwaling" bilang pambansang bulaklak ng bansa, na magiging kapalit para sa Sampagita.