dcsimg
Image of Snakeroot
Creatures » » Plants » » Dicotyledons » » Dogbane Family »

Snakeroot

Rauvolfia serpentina (L.) Benth. ex Kurz

Rauvolfia serpentina ( Tagalog )

provided by wikipedia emerging languages

Ang serpentina o Rauvolfia serpentine ay isang maliit na halaman na may mapait at mala-gatas na dagta. Ang mga dahon nito ay bilo-haba na umaabot sa 30 sentimetro ang haba. Ang halamang gamot na ito ay kilala sa tawag na Serpentina dito sa Pilipinas pero ito ay naka lista sa Listahan ng mga Halamang Gamot sa Pilipinas bilang Sinta. Bagaman ito ay isang tanyag na halamang gamot sa Pilipinas, ang halamang ito ay katutubo sa bansang Sri Lanka at iba pang mga bansa sa Hilagang Silangang Asya. Ang serpentina ay itinatanim ng mga tao sa mga bansang nabanggit dahil sa kakayahan umano ng halamang ito na gamutin ang lagnat at trangkaso.

Sa bansang India, ang serpentina ay matagal nang ginagamit bilang bahagi ng kanilang medisinang Ayurveda bilang gamot sa mga sakit sa atay at kanser. Ang serpentina ay popular hindi lamang dito sa mga bansang Asyano kundi pati na rin sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Sa Scandinavia, ang serpentina ay ginagamit bilang mabisang halamang gamot laban sa sipon at ubo.

Ang serpentina ay isang halaman na dinala na lamang dito ng mga dayuhan. Ito ay katutubo sa mga bansang tulad ng Sri Lanka at India. Sa kasalukuyan, ito ay inaalagaan ng mga tao sa kanilang mga bakuran. Ang serpentina ay madaling alagaan, ito ay nabubuhay sa mga paso.

Mga sanggunian

  1. "Module 11: Ayurvedic". Nakuha noong 2008-02-11.
  2. "The Plant List: A Working List of All Plant Species" (sa Ingles). Nakuha noong 28 Enero 2018.

Halaman Ang lathalaing ito na tungkol sa Halaman ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa nito.

license
cc-by-sa-3.0
copyright
Mga may-akda at editor ng Wikipedia

Rauvolfia serpentina: Brief Summary ( Tagalog )