dcsimg

Guno ( tagalog )

fourni par wikipedia emerging languages

Ang guno[1] o Atheriniformes (Ingles: silverside fish) ay isang orden ng mga isdang may mga palikpik na kahugis ng mga sinag na kinabibilangan ng Atherinidae o mga guno ng Matandang Mundo at ilang mga pamilyang di-gaanong kilala, katulad ng pambihirang Phallostethidae.

Paglalarawan

Karaniwang may dalawang panlikod na palikpik ang mga kasapi ng ordeng ito, may naibabaluktot na mga matutulis na mga tinik ang una, at isang palikpik sa puwitan na may isang palikpik sa harapan. Karaniwang malabo o wala ang mga linyang lateral (pahigang mahabang linya mula sa harap patungong likod ng isda).[2] May magkakatulad na ilang mga katangian ang mga larba ng Atheriniform; mayroon itong pambihirang kaiklian sa haba ng mga bituka, mayroong isang hanay ng mga melanopor sa kahabaan ng likod, at hindi agad mapapansin ang sinag ng mga palikpik hanggang sa ilang panahon matapos lumabas sa itlog.[2]

Taksonomiya

Hindi tiyak ang klasipikasyon ng mga atheriniformes, na may pinakamainam na ebidensiya para sa monopilya sa mga karakteristko ng larba na nabanggit sa ibaba. Para kay Joseph S. Nelson (2006), kabilang sa pamilyang Melanotaeniidae ang mga subpamilyang Bedotiinae, Melanotaeniinae, Pseudomugilinae, at Telmatherininae, para mailarawan ang knailang monopilya.[2] Subalit, sa isang pag-aaral noong 2004, may isang ibang planong pang-klasipikasyon na naghahanay sa mga pamilyang Bedotiidae, Melanotaeniidae, at Pseudomugilidae (kabilang din ang saring Telmatherinine) sa isang subordeng Melanotaenioidei.[3] Sa gayon, nagbabagu-bago sa mga may-akda ang bilang ng mga pamilyang nasa Atheriniformes.

Klasipikasyon ayon kay Nelson (2006):[2]

Orden Atheriniformes

Sanggunian

licence
cc-by-sa-3.0
droit d’auteur
Mga may-akda at editor ng Wikipedia

Guno: Brief Summary ( tagalog )

fourni par wikipedia emerging languages

Ang guno o Atheriniformes (Ingles: silverside fish) ay isang orden ng mga isdang may mga palikpik na kahugis ng mga sinag na kinabibilangan ng Atherinidae o mga guno ng Matandang Mundo at ilang mga pamilyang di-gaanong kilala, katulad ng pambihirang Phallostethidae.

licence
cc-by-sa-3.0
droit d’auteur
Mga may-akda at editor ng Wikipedia