Ang Tarat (Lanius cristatus; tinatawag ding Pakis-kis; Ingles: Brown Shrike), ay isang ibon sa pamilyang Laniidae na pinakakaraniwang natagagpuan sa Asya. Tulad ng ibang mga ibon sa pamilyang Laniidae, ito'y makikilala sa taglay nitong katangi-tanging itim na "benda" sa mata.[2] Madalas itong dumapo sa tuktok ng mga palumpong habang naghahanap ng mahuhuling pagkain.
Ang mga ehemplong nakikita sa Pilipinas ay bahagi ng subspesyeng lucionensis na siyang nagpapaanak sa masmalalamig na bahagi ng Asya bago mandayuhan sa bahaging Tropiko ng Asya kapag tag-lamig na. [3][4][5]
Sa kulturang Tagalog, kilala ang mga ibong ito sa pagiging maingay, kung kaya naging palasak na paglalarawan sa taong madaldal o mahilig mansisi ng iba ang katagang “Taratitat na parang tarat!” Kung hindi sa huni nito, ang Tarat ay madalas pinagkamalang maya o 'di kaya'y pipit. [6]
Ang lathalaing ito na tungkol sa Ibon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa nito.
Ang Tarat (Lanius cristatus; tinatawag ding Pakis-kis; Ingles: Brown Shrike), ay isang ibon sa pamilyang Laniidae na pinakakaraniwang natagagpuan sa Asya. Tulad ng ibang mga ibon sa pamilyang Laniidae, ito'y makikilala sa taglay nitong katangi-tanging itim na "benda" sa mata. Madalas itong dumapo sa tuktok ng mga palumpong habang naghahanap ng mahuhuling pagkain.
Ang mga ehemplong nakikita sa Pilipinas ay bahagi ng subspesyeng lucionensis na siyang nagpapaanak sa masmalalamig na bahagi ng Asya bago mandayuhan sa bahaging Tropiko ng Asya kapag tag-lamig na.
Sa kulturang Tagalog, kilala ang mga ibong ito sa pagiging maingay, kung kaya naging palasak na paglalarawan sa taong madaldal o mahilig mansisi ng iba ang katagang “Taratitat na parang tarat!” Kung hindi sa huni nito, ang Tarat ay madalas pinagkamalang maya o 'di kaya'y pipit.